Linggo, Marso 2, 2008

Ang Umasa sa Pagasa

Maraming pagkakataon na akong sumubok upang makamtan ang aking pangarap. Kung bibilangin sa kamay, sobra na sa lima ang pagtatangkang aking ginawa. May sakit, may hinanakit, may iyak at ang pinakahuling luha ay naramdaman na ni miang... ang unang pagbabakasakali ko sa EY (Mayo nueve). Pagkatapos ng tasasiyon, nagsimula na akong mawalan ng pag-asa at magnilay-nilay na marahil hindi para sa akin ito. Nangyari man ito, kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang aking obligasyon bilang empleyado sa aking kasalukuyang trabaho (ako'y dating *ground staff ng EY---pangatlong partido).

Maidagdag ko lamang, kundi dahil dito, hindi ko makikilala ang aking butihing kaibigan ngayon, si achie Susie.

Matapos ang isang taon, nakarinig ako ng mga bali-balita na magkakaroon na naman ng tasasiyon ang EY para sa *cabin crew. Atubili akong nagtanong sa aking mga kasamahan kung totoo nga. Halos kakagaling ko lamang nuon sa AUH pagkat pinadala ako ng kumpanya para Amadeus *reservations training. Anim na araw lamang ang aming inilagi ni Popoi doon pero nagustuhan ko na sa UAE.


Plano namin sana ni Dha na magbakasakali. Pagkauwi sa bahay sa Laguna tinanong ko si miang kung papayagan niya akong mag*walk-in. Nagpinid na lamang siya ng kanyang bibig. Yun na ang aking naging senyales para hindi na magpatuloy.

Dalawang araw ang lumipas, isang tawag mula kay Nafissa ang nagpabago ng aking pagpapasya. Ang aking *last hurrah!

Abril biente dos... higit sa 100 *wannabees... *reach test... *trimmed down... *written exams (shet 40 words lang pala, nobela sinulat ko!)... *initial interview... kaba... *trimmed down... *galak... tanghalian... usap kami ni Sora... *pageant ulit... pagsagot sa tanong na "What is your favorite sport" (lech! bakit yun pa! taguan tuloy ang sinagot ko)... wala ng *trimming down whew kaba pa rin... daynamiks ng grupo... kaba ulit... huling interbyu... mabuti na lang si Nafissa ulit... huli na yan Mitchiecoi... gawin mo na lahat (*last hurrah mo na ito) wala ka ng babalikang trabaho (alam na ng maraming trabahador ng aming paliparan ang mga rason kung bakit)...

errrrrr... pirmahan na ito ng mga detalye at impormasyon namin... ano ito???

Lunes... babalik na ang tatlong hurado sa AUH. Naatasan na naman akong magasisti sa mga bisita... pagkababa sa *boarding gate nagpasalamat ang tatlo at nagwika sa pananalitang Ingles "See you in AUH." Awwwwww totoo ba ito??!! *Slap me, baka nananaginip lamang ako!!!!!!!

Teka... kalakip ng pagkakataon nga palang ito... nagulantang ang mundo ni miang ng malaman ang katotohanang iluluwal si Yhana Francine Ashleigh matapos ang anim na buwan...

Ang Exodus mula Pinas


Karaniwan ng tinatanong ang isang paslit kung ano ang kanyang nais maging paglaki. Hindi man itinuro ito ni miang, malimit kong sabihin na maging isang doktor (nang makatulong sa mga taong 'di gaanong pinalad sa buhay) o kaya'y guro (na hanggang ngayon ay nais ko pa rin). Nuong ako ay nasa ikatlong baitang sa elementarya, naatasan kami ng aming gurong si Ginang Baldonado ng isang gawaing-upuan para sa aming sulatin. Ang paksa ay ukol sa aming pangarap. Sa 'di ko mawaring kadahilanan, naisipan kong ilathala ang maging isang *flight stewardess. Hindi ko pa alam ang tamang pagbabaybay nuon kaya't nagtanong ako kay titser. 'Di ko sukat-akalain na malito din siya kung dobleng letrang -S ba iyon o hindi (sabay punta sa silid-aklatan). Magpahanggang ngayon ay napapapangiti pa rin ako sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang salaysay na iyon. Duon na pala sa tagpong 'yon magsisimulang umusbong ang lunggating payak na ngayo'y ga-muhon.


Sulyapan ang aking nakaraan... (hilig suotan ni miang ng makating *gown)


Bata pa lang artistahin na akech...




Hilig suotan ni miang ng makating gown...


Mahilig sa handaan!!!Apee bertdey chie!








Palangiti...









At bakit nga ba hindi ako napili nina Tito,Vic at Joey nuong nag-*audition ako sa Eat Bulaga? Di hamak naman na mas cute ako kay Aiza Seguerra noh! Atsetseh!