Linggo, Marso 2, 2008

Ang Exodus mula Pinas


Karaniwan ng tinatanong ang isang paslit kung ano ang kanyang nais maging paglaki. Hindi man itinuro ito ni miang, malimit kong sabihin na maging isang doktor (nang makatulong sa mga taong 'di gaanong pinalad sa buhay) o kaya'y guro (na hanggang ngayon ay nais ko pa rin). Nuong ako ay nasa ikatlong baitang sa elementarya, naatasan kami ng aming gurong si Ginang Baldonado ng isang gawaing-upuan para sa aming sulatin. Ang paksa ay ukol sa aming pangarap. Sa 'di ko mawaring kadahilanan, naisipan kong ilathala ang maging isang *flight stewardess. Hindi ko pa alam ang tamang pagbabaybay nuon kaya't nagtanong ako kay titser. 'Di ko sukat-akalain na malito din siya kung dobleng letrang -S ba iyon o hindi (sabay punta sa silid-aklatan). Magpahanggang ngayon ay napapapangiti pa rin ako sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang salaysay na iyon. Duon na pala sa tagpong 'yon magsisimulang umusbong ang lunggating payak na ngayo'y ga-muhon.


Sulyapan ang aking nakaraan... (hilig suotan ni miang ng makating *gown)


Bata pa lang artistahin na akech...




Hilig suotan ni miang ng makating gown...


Mahilig sa handaan!!!Apee bertdey chie!








Palangiti...









At bakit nga ba hindi ako napili nina Tito,Vic at Joey nuong nag-*audition ako sa Eat Bulaga? Di hamak naman na mas cute ako kay Aiza Seguerra noh! Atsetseh!





















1 komento:

Unknown ayon kay ...

ako lamang ay naatasang magbigay ng komento ng aking matalik na kaibigan dito sa abu dhabi... acheche! hehehe (iiwan ko na ang papel na pagiging makata mo sau) I love your childhood pix... makes me laugh. you remind me of the happy tree friends... and yes, add aiza seguerra there.. :) makes me want to see and read more of ur pix and blogs...(uyyy sip2x) hehe labu!